JM de Guzman papasok sa hit teleserye “Be Careful with my Heart”
Hindi na matutuloy ang pagpasok ng kapatid hunks na si Wendell Ramos sa hit teleserye “Be Careful with my Heart” dahil sobrang hectic ng kanyang schedule.
Nagpaalam na sana si Wendell Ramos sa kanyang manager pero dahil sa napasama sya sa super serye na Kidlat ay hindi na matutuloy ang paguguest nya.
Ayon sa nasagap namin na balita ang ipapalit diumano kay Wendell Ramos ay ang bida sa teleserye Angelito ang batang Ama na napapnuod sa kapamilya walang iba kundi si JM de Guzman.
Si JM de Guzman daw ang ipapalit kay Wendell Ramos at isang guest lang ang karakter dito ni JM kaya naman hindi sya gaano magtatagal dito sa no.1 daytime programa sa pilipinas Be Careful with My Heart.